Wednesday, January 14, 2009

It all started "burp" here...

July 13 1988

Panay ang tungga ko nung araw na yon, boring, wala magawa. Sa gitna ng aking paginom, nangyari ang kakaiba, akoy biglang nasilaw, dahan dahang lumalaki ang liwanag na pilit pumapasok sa lugar na aking kina uupuan. May puting kamay na biglang lumitaw, pilit akong inaagaw. Sa sobrang gulat di na ko nakapalag, hawak ang bote, sumama ko.

Naramdaman ko ang saya ng paligid sa labas, lahat sa akin ay nakatitig. Pawisan ang lahat at wala ni isang nagsasalita, tila may hinihintay. "Huh? Anu naman kaya?", aking pagtataka.
May biglang pumalo sa pwet ko, sabay tingin sa akin, di ako kumibo, di rin sya kumibo. 
Malamig ang paligid, pati ang beer na tinitira ko kani-kanina lang bago ko harasin, malamig pa rin. Nag patuloy ang katahimikan, ako'y nag patuloy ng pag mamanman, pag tingin ko sa kanan, may babaeng nakahiga sa kama, pagod, bangag, tulog. Sa kaliwa naman, 3 babaeng nakaputi, nakatingin sakin, nag aalala, mukhang mangha. Habang ako ay abala kaka tingin kung saan saan, may humarang saking harapan, matabang babaeng pilit akong pinupunasan. Di ko namalayan, balot pala ng dugo ang aking katawan. Panay ang punas nya, ako nama'y panay ang tagay, nang biglang may humablot sa beer na aking hawak. Grrrrrrrrrrr....

"WWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!" -ako
"YYYYYYEEEEEEEEEHHHHHEEEEEEEEEEEEYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!" -sila

Akoy tinopak at naiyak sa kanilang ginawa, habang silay nag didiwang sa'king ginawa. 


4 comments:

  1. Ang pagsilang ng mahal kong makata. Bow. :)

    ReplyDelete
  2. sosyalin! paotograp nmn jn!:D -@

    ReplyDelete
  3. Isa itong patotoo na kapatid ka nga ni Aujan. Bravo bravo! Naway ituloy mo ang alamat na ito, masugid naming susundan..

    Hanep si Pat, di lang manginginom, manunulat pa, campai!

    ReplyDelete
  4. Ang galing mo Kuya Pat.. ;))

    Definitely, this is no mierda.

    \m/

    ReplyDelete