Thursday, January 15, 2009

Ipin. Ipin. Saan ka nagpunta?

May 10 1991

Maayos naman ang naging buhay ko sa nakalipas na 3 taon simula nung pagkalabas ko dun sa lugar na puro nakaputi ang tao. Meron nga pala akong kapatid, nauna sya sakin ng 5 taon sa pag dating dito sa mundo. Ok naman ang una naming pag kikita noon, tropa agad, sa totoo nga e nag high five agad kami. Astig. Madaming tao sa bahay namin, labas pasok. May natutulog sa sala, meron ding nag babasa, may naliligo, may na nonood ng tv, may nag luluto at meron ding walang magawa. Mas marami ang walang magawa.

Isang araw, habang lahat ay abala sa mga gawain nila, inutusan si ate ni mama, pinapabili sya ng yelo kina kalbo. Si kalbo ay ang may ari ng tindahan, na mula sa aming tahanan, mga anim na bahay ang pagitan. Di ko na ipapaliwanag kung bakit "kalbo" ang kanyang pangalan. ok? Balik sa kwento, sumunod sa utos si ate, ako nama'y nakatunog at biglang nag inarte, gusto ko kase sumama. Sa madaling salita, tagumpay ako, so dahan dahan ko ng sinusuot ang tsinelas ko. (para di mahalatang excited..) YEY!

"Racing tayo hangang tindahan" hamon sa akin ni ate. Ako naman, "Sige ba!", ang saya saya ko pang tinanggap ang hamon. Malubak ang daan nun patungo dun sa tindahan, hinde pa kasi na eespalto, ayun, puro pa bato. Pag bilang ng tatlo, karipas ang aking takbo. pati si ate todo sa pag takbo. Parang alak ang prize ng mananalo. Nang biglang di ko namalayan, mga paa koy nag kabuhol buhol na, ayun dapa. "Ate Saklolo" sigaw ko. Di ako napansin ni ate, na una na kasi sya sa tindahan tuloy ang pagbili. Siguro'y napasin nya na wala ako sa kanyang tabi kaya agad agad nya kong hinanap. Laking gulat nya ng ako'y matagpuan, nakadapa, may bukol, ilong at bibig duguan. Tinulungan nya kong bumangon, at laking gulat nya ng makita, ako nama'y nataranta sa reaksyon ng mukha nya, sabay banggit nya ng mga nakakatakot na salita. 

"Pat, ipin mo nawawala..."


 

3 comments:

  1. Nahanap naman natin yung ipin mo dba?

    Yun nga lang, kalbaryo para sa'yo ang pagpupursigi nung dentista na maibalik sa lahat ang dati..

    while singing, "Pagmulat ng mata, basura ang nakita.. sa batibot, sa batibot."

    ReplyDelete
  2. Hahahaha. Dapat pala ang title neto, "Ipin. Ipin. Bat ka nagwala?" Hehehehe

    ReplyDelete
  3. Susme ang adventure nyong magkapatid, tanggalan ng ipin. Kaya pala malalaki at malulusog ang pumalit ngayong matanda ka na, hahaha. Peace Pat :-)

    ReplyDelete