Wednesday, January 21, 2009

Ang Kwento ni Uro

Febuary 1999

Si kuya Uro ang paborito kong tito, utol sya ni mama ko, napaka talentadong tao. Isipin mo, Pintor na, Adik pa. San ka pa? Sa mga narinig kong kwento, bata pa lang sya nang matutunan nya ang samu't saring bisyo. Rugby, Marijuana at Bato. May narinig pa nga ko,"Ekis Pinoy" ba ang tawag dun? ah basta, basta nakaka high, ilista mo na. Napakahusay nya gumuhit, mag pinta, at lumikha ng kung anu anong ideya. Masasabing pinag-pala rin ang mga magulang nya, kahit papano. Naging pasaway si Uro, sinira ang buhay sa kaka durog. Para sa kanya, ito ang nag bibigay buhay, ito ang talino, ito ang nag papalabas sa nag tatagong talento.

Marami ang mga napagsamahan namin ni kuya Uro, mga panahong masaya, malungkot at nakakatakot. Dumating kasi sa sitwasyon na hinde na kinakaya ni kuya ang sapi ng demonyo na nagmula sa kanyang hawak na droga. Bakal ang tingin nya sa amin, hinde nya kami nakikilala, umabot sa gusto na nya kaming saktan at patayin. Parang mga napapanood lang sa tv ang mga nangyari, pilit kong gustong gisingin ang sarili upang makatakas sa bangungot na sa akin ay sumasakal. Ngunit hinde pwede, kasi totoo ang lahat ng nasabi. May mga araw na okay si kuya, may mga araw din na bigla na lang napa-praning. Halos nasanay na nga kaming mag kakapatid sa paulit ulit na kaganapan na nangyayari sa aming harapan. Parang wala nang katapusan.

Sa dinami-raming paghihirap na aming pinag daanan kay kuya, dumating din ang panahon na pinaka-aasam. Isang linggong katahimikan, parang tigil putukan. Isang linggong nagpakabait si Kuya Uro, Isang linggong hinde bumatak, Isang linggong araw araw naliligo. Sa akin nya inubos ang halos lahat ng oras nya sa isang araw. Tinuruan nya kong gumuhit at mag pinta. Kung paano gawing makatotohanan ang pinintang ulap, at kung pano bubuhayin ang mata ng ginuhit mong mukha. Mga sikretong kahit kanino ay di pa nya naituro, mga sikretong sa akin lang nya pinag kaloob. Hinde ko naisip na pa-mana na pala ang lahat ng yon, paalamanan na pala ang kasunod.

Alas-tres ng madaling araw, ayon sa kwento ni tita ne, bigla akong bumangon mula sa pagkakatulog, nag mamadali, natataranta, tila may hinahanap. Saglit lang ang nag daan, balik na sa higaan, tulog ulit na parang walang nang yari. Alas-sais ng umaga, papasok na kami ni ate sa eskwela, nakita ko ang mahal kong tito, nakahiga sa ilalim ng aming puno. Pina lapitan ni mama si kuya Uro sa katulong namin, upang tignan kung anu ang kanyang ginagawa. Bumalik ang katulong, umiiyak,  namumutla. "Ate, si kuya, patay na..." ika nya. 
Tinapos ni kuya Uro ang kwento ng kanyang buhay gamit ang lubid sa leeg. Siguro'y naisip nya na tama na ang nakagawa sya ng isang linggong kabutihan, delikado na, baka muli pang maputikan. 

Naalala mo pa ba nung paiyakin ako ng matabang babae na humablot sa bote ng beer na aking hawak nung akoy pinanganak? Ang saya-saya nila habang ako ay lumuluha. Mga sadista. Sampung taon na ang nakalipas mula nun, badtrip talaga oh, pinaiyak nanaman ako. 

Monday, January 19, 2009

Ang batang makulit, Pinapalo sa puwit. Bow.

January 1995

Anim na taon na ko nung napatunayan ko sa sarili ko na hindi ako lampa. Natuto na din akong mag bisekleta, yun bang bike na tatlo ang gulong. Sabi nila ligtas daw ang klase ng bisikleta na yun kaya pwede sa bata, pag tapos ng mga nangyari sakin, parang di nako naniniwala. Hapon yun ng biyernes, kakagising ko lang. Pag bangon ko, asar pa rin ako sa lahat dahil sa pag pilit nila saking matulog ng tanghali. Dumiiretso ko sa aking bisekleta at nag paikot ikot sa bakuran namin. May limang hakbang ng hagdan papuntang pintuan mula bakuran. Binabantayan ako nun ni tita. Hindi ko alam ang kadahilanan kung bakit trip na trip ko mag mabilis ng pag papatakbo nung araw na yun sabay preno ng malakas pag malapit na ko mahulog sa mga baitang. 8 beses ako pinagsabihan na wag na ulitin yun, e makulit ako. Ayun, sumunod na eksena, hirap na hirap ang mga tito ko sa pagkuha sa kin sa aking pagkakatihaya. Nagkakabuhol-buhol ng aking katawan sa kawawa kong bisekleta, alalang-alala ko nun, bago pa naman yun, nagasgasahan ko ata.

Pagkalipas ng isang araw, eto nanaman ako, nawala na ang trauma, balik sa paglalaro, tuloy ang ligaya. May idol akong super hero, si "The Flash". Para sa mga hindi sa kanya nakakakilala, sobrang bilis niya kumilos at maganda ang logo nya. Pinag isipan ko ng maiigi kung panu ako bibilis tulad nya, hanggang isang araw, nadiskubre ko ang kasagutan, kakalampaso lang ni mama, ang sahig madulas at makintab pa. Kumuha ako ng dalawang basahan, tinuntong ang magkabilang paa sa tig-isang basahan, konting buwelo at hala, dirediretso ang arangkada. Sa kalagitnaan ng aking mabilis na pag usad, meron akong biglang naalala, panu ako titigil? pilit kong gustong isipin, ngunit huli na ang lahat, hampas sa refregirator, basag nanaman ang mga ipin.

Mula nun tinigil ko na ang mga larong nakakasakit ng katawan. Ayaw ko na ng mabibilis na bagay tulad ng bisikleta at super powers ni The Flash, naaaliw lang ako ng husto hanggang makakalimutan ko na kung paano ang pag hinto. Ayun, sakit lang sa ulo. Kaya nag isip ako ng iba, nais kong subukan abutin at marating ang minimithi ng maraming bata.... ang ibabaw ng refrigerator. (o baka ako lang ang nangangarap nun). Habang walang nakatingin, dahan dahan kong pinanik, sa di maipaliwanag na paraan, akoy nag tagumpay. Aking na-angkin ang bundok na minsan ng bumasag sa aking mga ipin. Sa sobrang saya, nakalimutan ko ang lahat ng disgrasya na sa akin ay nangyari at umamba. Nawala na rin ang inggit na maging tulad si The Flash, dahil sa mga panahong yun, pakiramdam ko'y napakalakas ko na. Mabango ang simoy ng hangin sa taas, mejo malamig, at maganda ang tanawin, sobra, tila ayaw ko nang "bumaba". Huh!?! Biglang dumapo sa isip ko ang isang napakalaking problema...

"Shit! Paano ko bababa?"  

Friday, January 16, 2009

Maltesers..yummy or yucky?

December 11 1994

Kaarawan ng bunso kong kapatid noon, kaka 3 years old lang nya, gaya ng araw araw nyang gawain, palakad lakad lang sya sa loob ng bahay hawak ang manika nyang pinangalanang "kang-kang", sobra ang topak nya at panay ang pananakit nya, ngunit sa likod ng lahat ng ito ay siguradong lalapitan mo pa din sya dahil sa cute nyang mukha. Mejo busy ang atmosphere sa bahay nun, kakarating lang nila mama at papa galing Uniwide, namili ata sila ng pang handa sa birthday ni Keren, Keren nga pala ang palayaw ng kapatid kong bunso, Keng-Keng ang tunay nyang pangalan.

May pasalubong samin sila mama, tsokolate. Tuwang tuwa ang birthday girl sa pasalubong, sinamantala nya ang sitwasyon habang nag aadik kami ni ate kaka laro ng family computer upang angkinin ang lahat ng tsokolate na dapat ay para saming tatlo. Hawak hawak ni Keren ang supot nito habang paligid ligid sa tabi namin ni ate upang mang inggit sa sarap ng kinakain. Marami rami na syang nakain ng mapansin kong bakit nawala ang parte namin, sinubukan kong humingi ngunit ayaw ni bunso mamigay, patuloy ang ikot at ligid nya samin habang pilit inuubos ang tsokolateng hawak. 

Hulog ng langit, sa sahig, isang tskolatey biglang nalaglalg, gumulong palapit sa akin. Swerte talaga, nde lang isa, may sumunod pang dalawa. Patago ko itong kinuha, at mabilis sinubo ang isa, mejo iba ang lasa, pero okay lang, atleast masaya. Biglang natigil sa pag lalaro ang nakatatanda kong kapatid, "bakit ang baho? umutot ka ba?" agad nyang tanong sa akin. Biglang meron syang napansing kakaiba, ang mga tsokolateng hawak ni keren, gumugulong isa isa. Bigla akong kinabahan, at unti unting nag imbistiga, supot na hawak ni Keren, wala na. Kanina pay naitapon na pala. Ngunit nakapag tataka, nakain kong tsokolatey saan nag mula?

Pumipito ang katahimikan sa aking tenga, nag iisip, nangangamba. Nang biglang isigaw ni mama ang katotohanan, 

"Aujan, si Keren tumae! Pakihugasan!". 

Thursday, January 15, 2009

Ipin. Ipin. Saan ka nagpunta?

May 10 1991

Maayos naman ang naging buhay ko sa nakalipas na 3 taon simula nung pagkalabas ko dun sa lugar na puro nakaputi ang tao. Meron nga pala akong kapatid, nauna sya sakin ng 5 taon sa pag dating dito sa mundo. Ok naman ang una naming pag kikita noon, tropa agad, sa totoo nga e nag high five agad kami. Astig. Madaming tao sa bahay namin, labas pasok. May natutulog sa sala, meron ding nag babasa, may naliligo, may na nonood ng tv, may nag luluto at meron ding walang magawa. Mas marami ang walang magawa.

Isang araw, habang lahat ay abala sa mga gawain nila, inutusan si ate ni mama, pinapabili sya ng yelo kina kalbo. Si kalbo ay ang may ari ng tindahan, na mula sa aming tahanan, mga anim na bahay ang pagitan. Di ko na ipapaliwanag kung bakit "kalbo" ang kanyang pangalan. ok? Balik sa kwento, sumunod sa utos si ate, ako nama'y nakatunog at biglang nag inarte, gusto ko kase sumama. Sa madaling salita, tagumpay ako, so dahan dahan ko ng sinusuot ang tsinelas ko. (para di mahalatang excited..) YEY!

"Racing tayo hangang tindahan" hamon sa akin ni ate. Ako naman, "Sige ba!", ang saya saya ko pang tinanggap ang hamon. Malubak ang daan nun patungo dun sa tindahan, hinde pa kasi na eespalto, ayun, puro pa bato. Pag bilang ng tatlo, karipas ang aking takbo. pati si ate todo sa pag takbo. Parang alak ang prize ng mananalo. Nang biglang di ko namalayan, mga paa koy nag kabuhol buhol na, ayun dapa. "Ate Saklolo" sigaw ko. Di ako napansin ni ate, na una na kasi sya sa tindahan tuloy ang pagbili. Siguro'y napasin nya na wala ako sa kanyang tabi kaya agad agad nya kong hinanap. Laking gulat nya ng ako'y matagpuan, nakadapa, may bukol, ilong at bibig duguan. Tinulungan nya kong bumangon, at laking gulat nya ng makita, ako nama'y nataranta sa reaksyon ng mukha nya, sabay banggit nya ng mga nakakatakot na salita. 

"Pat, ipin mo nawawala..."


 

Wednesday, January 14, 2009

It all started "burp" here...

July 13 1988

Panay ang tungga ko nung araw na yon, boring, wala magawa. Sa gitna ng aking paginom, nangyari ang kakaiba, akoy biglang nasilaw, dahan dahang lumalaki ang liwanag na pilit pumapasok sa lugar na aking kina uupuan. May puting kamay na biglang lumitaw, pilit akong inaagaw. Sa sobrang gulat di na ko nakapalag, hawak ang bote, sumama ko.

Naramdaman ko ang saya ng paligid sa labas, lahat sa akin ay nakatitig. Pawisan ang lahat at wala ni isang nagsasalita, tila may hinihintay. "Huh? Anu naman kaya?", aking pagtataka.
May biglang pumalo sa pwet ko, sabay tingin sa akin, di ako kumibo, di rin sya kumibo. 
Malamig ang paligid, pati ang beer na tinitira ko kani-kanina lang bago ko harasin, malamig pa rin. Nag patuloy ang katahimikan, ako'y nag patuloy ng pag mamanman, pag tingin ko sa kanan, may babaeng nakahiga sa kama, pagod, bangag, tulog. Sa kaliwa naman, 3 babaeng nakaputi, nakatingin sakin, nag aalala, mukhang mangha. Habang ako ay abala kaka tingin kung saan saan, may humarang saking harapan, matabang babaeng pilit akong pinupunasan. Di ko namalayan, balot pala ng dugo ang aking katawan. Panay ang punas nya, ako nama'y panay ang tagay, nang biglang may humablot sa beer na aking hawak. Grrrrrrrrrrr....

"WWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!" -ako
"YYYYYYEEEEEEEEEHHHHHEEEEEEEEEEEEYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!" -sila

Akoy tinopak at naiyak sa kanilang ginawa, habang silay nag didiwang sa'king ginawa.